Tuesday, December 2, 2008
Wowowee
Feb 13th, 2008 by Inday
Naging contestants sina Inday at Ederlyn sa Wowowee.
Willie: Kapamilya, ang ating mga kalahok ngayon ay mga maid or mga yaya… mga kasambahay minsan kung tawagin. Sila ang dahilan kung baket nananatiling malinis ang bahay natin, may pagkain sa hapagkainan kung pagod tayo para magluto. Sila ang naghuhugas ng pinggan, naglalaba at nag-aalaga sa mga anak natin. Aminin na naten, mahihirapan din tayo pag wala sila.
Willie: Sige tawagin na naten ang mga unang maglalaro.
Umentra sina Inday at Ederlyn at pumwesto sa magkabilang panig ni Willie.
Kinausap muna ni Willie si Ederlyn. Excited sobra si Ederlyn, sigaw ng sigaw ng “Papiii”!!
Willie: Hello kamusta ka? Anong name mo?
Ederlyn: Ederlyn po papi!! I’m fine thanks!!! (excited talaga)
Willie: Ederlyn, taga-saang probinsya ka?
Ederlyn: I’m from here lang in Metro Manila papi!!! You’re hansam pala in personal!
Willie: Wow, thank you ha. Ilang taon ka na Ederlyn?
Ederlyn: 20 po papi!!
Willie: Ahh, kamusta mga magulang mo, nasan sila?
Ederlyn: Di ko po alam papi!! In their house lang yun siguro. I am staying with my amo.
Willie: Ahhh so sino yung nagbabantay ng bahay ngayon? Alam ba ng amo mo na nandito ka sa Wowowee?
Ederlyn: Yung amo ko po nag-stay sa house. Pinayagan nya naman ako at she also gave me bus fare to go here so I could join.
Willie: Wow, ang bait naman. Meron ka bang message para sa amo mo?
Ederlyn: Ma’am thank you po for giving me pamasahe to go here, don’t worry I will pay you. The trash at the back I will throw later, I am not finish sweeping the floor in your room. The fruit salad in the ref is already panis, don’t eat it. Pa-throw na lang po in the trash can.
Willie: Aba! Astig ka rin ah, inutusan mo pa amo mo. Sa magulang mo baka may message ka.
Ederlyn: Ahmm… Nay, Tay! How are you guys? I’m doing fine here at Wowowee. I know you are watching me. Thank you for your patronage. That’s all papi!
Willie: Nyak! O sige anong talent mo?
Ederlyn: I will sing po papi! Nothing’s gonna change my love for you!
Willie: O sige, Ladies and Gentlemen… Miss Ederlyn.
Kinuha ni Ederlyn ang mikropono at pumunta na sa gitna at nagsimulang kumanta.
Ederlyn: If I had to live my life without you near me…. The days would all be empty…
Umabot na sa chorus…
Ederlyn: Nothing’s gonna change my love for you, you know naman my love how much I love you. One thing you can be sure of, I’ll never ask for more than your love…
At natapos na rin si Ederlyn. Naghiyawan at nagtawanan ang mga tao. Pati si Willie di makatigil sa kakatawa.
Willie: Ayos ka rin Ederlyn! Lalabas siguro ito sa youtube. Anyway, eto ang five thousand pesos mo pati ang gift bag from Liveraide!!
Ederlyn: (tuwang tuwa) Thank you po Kuya Willie!!
Willie: O sige dito naman tayo sa next contestant naten.
Humarap si Willie kay Inday na mukhang nabobored.
Willie: Hi miss, anong name mo?
Inday: Hi Mr. Revillame, my name is Inday.
Willie: Aba isa pang inglesera. Ok mga katulong naten ngayon ah, nakakaaliw sila.
Naisipan din na kausapin ni Willie si Inday ng Ingles. Alam niyo naman si papi, palabiro.
Willie: So Inday, how are you today?
Inday: I just answered that question earlier. If you have nothing else left to ask, can we just continue?
Willie: Ahhmm, it’s ok. I still have some questions for you. Ahh, what province are you from?
Inday: I’m from the City of Majestic Waterfalls, Iligan.
Willie: Ahhh, that’s very nice. Is your parents there? Why don’t you greet them?
Inday: Yes, they’re there but my mom does not watch Wowowee. She usually watch The Tyra Banks Show at this time of the day. My dad seldom watches TV.
Willie: Oh I see, why doesn’t she watch Wowowee, am I not handsome or funny for her?
Inday: Let’s just say that it might have something to do with substance, plus Tyra is more pleasing to the eye than you.
Napahiya si Willie.
Willie: Ohh ok. Well greet her anyways, maybe she change the channel during commercial.
Pumayag na rin si Inday na batiin ang kanyang nanay.
Inday: Hi Mom, if you’re really watching this…
Sumingit saglit si Willie.
Willie: Inday, why don’t you greet her in your dialect?
Inday: (Tinignan ng masama si Willie) Why don’t you keep quiet for a sec and let me greet her in my own way?
Napahiya ulit si Willie…
Willie: Ok sorry, please continue.
Inday: Hi mom, please check your Paypal account to see if the money I sent you has arrived. Did you like the Marc Jacobs handbag I sent you last Christmas? Please tell Iying to catch me online so I can walk her through jailbreaking her iPod Touch. Hi to Dad, Itoy and Ikling. Love you all!
Natameme si Willie sa pagkasosyal ni Inday at ng kanyang pamilya.
Willie: Woww… How sweet naman. Can I ask you what year uhh… I mean anong year ang natapos mo sa schooling mo? Because you’re good in English, maybe you reached 4th year high school?
Inday: So what are you implying? That maids are dumb and cannot speak perfect English nor have good education? If I told you my academic achievements you might run outside and fling yourself into a speeding truck. Let’s just say that I was blessed with proper education with the help of a few scholarship grants and was able to finish college and a couple of master’s degree.
Dumugo na ang ilong ni Willie at nagpakuha muna ng tissue at tubig bago nagpatuloy.
Willie: Ahmm ok… uhh.. tama na siguro yung mga tanong. Pero bago ang lahat nais ko lang batiin ang isang special guest na dumalo ngayon dito sa studio… the lovely Kris Aquino.
Na-focus ang camera kay Kris na nakatayo sa gilid.
Kris: Hi Willie, o anoh? Diba winarn na kita tungkol dyan kay Inday kanina bago ka lumabas. Anoh, naniwala ka na?
Willie: Di ko naman kasi alam parang jinojoke mo lang ako kanina eh.
Kris: Well… gusto ko lang makita talent ni Inday kaya ako bumisita. Baka talent nya ay wawalisin itong set in under 1 minute. Ahihihi.
Willie: ‘Kaw talaga Kris iba ka kung manlait.
Talent portion na ni Inday.
Willie: Ok Inday, anong talent ang gagawin mo ngayon?
Inday: I suppose I could sing one of my favorites, Time to Say Goodbye.
Willie: Sige, Ladies and Gentleman… Ms. Inday.
Pumwesto na si Inday sa harap ng entablado. Pinatahimik niya ang audience… nakatingin lang sa kanya si Kris. Sinenyasan nya ang DJ na patugtugin ang kanyang CD dahil di kakayanin ng banda patugtugin ang kakantahin nya.
Nagsimula na si Inday kumanta…
Inday: Quando sono sola Sogno all’orrizonte E mancan le parole… Si lo so che non c’e’ luce In una stanza quando manca il sole Si non ci sei tu con me, con me…
Umabot na sa chorus at bumanat pa lalo si Inday…
Inday: Time to… say goodbye… Paesi che no ho mai Veduto e vissuto con te… Adesso si li vivro’ con te partiro’…
Nagtayuan ang karamihan sa audience, mga matatanda, foreigners, OFWs, balikbayan. Pinalakpakan si Inday… napaluha din ang iba. Pati si Kris at Willie namangha at nanood na lang sa rendition ni Inday ng kanta ni Andrea Bocelli.
Pinatapos ni Willie ang buong kanta, di akalaing kaya ng isang katulong ang kumanta ng opera.
Pagkatapos ni Inday, binigyan siya ng standing ovation ng audience, pati mga promo girls tumigil sa pagkekembot para palakpakan siya. Umalis na si Kris sa studio ng luhaan, apektado sa kanta ni Inday.
Willie: Wow!! That’s unbelievable! Ang galing ha, ang lakas pala ng boses mo. Dahil sa ginawa mong yan, ito ang 50,000 pesos para sayo at lahat ng nakadisplay dito sa likod ko, pwede mo nang iuwi. Meron dyang Magic Sing, My Marvel Taheebo at kung anu-ano pa.
Sumingit si Ederlyn.
Ederlyn: Papi ba’t saken 5,000 pesos lang? Unfair naman yun.
Willie: Gusto mo bawiin ko? Mali mali nga lyrics mo dyan. Galingan mo na lang sa laban niyo ni Inday.
Ederlyn: (natahimik na lang) Sige po papi.
Willie: Ok alam niyo na ang gagawin? Kelangan niyong mahulaan ang title ng kantang papatugtugin at kakantahin niyo pagkatapos ok? Pag di niyo naikanta ng maayos, 1 point lang. Pag-maka 2 points kayo, pasok na kayo sa next round.
Willie: Ok ready? Paunahan ito… pwesto!
Tumugtog na ang Perfect ng True Faith, umabot na sa chorus bago nahulaan ni Ederlyn ang kanta.
Edelryn: Ferfect papi!! Ferfect!!!!
Natawa na lang si Willie.
Willie: O sige pwede na rin… Perfect… Sing it!!
Ederlyn: Baby as I look into your eyes… New York ferfect… Judging from the way you meet my eye… New York Ferfect…. Ferfect….
Sumasakit ang tyan ni Willie sa kakatawa kaya’t pinatigil nya na si Ederlyn.
Willie: Hoi, san niyo ba nakuha ito? (tawa ng tawa habang kausap ang direktor)
Willie: Sorry Ederlyn pero mali na naman ang lyrics mo. Di bale bawi ka na lang sa susunod… Inday, pwede ka pang humabol. Sige pwesto!!
Tumugtog na ang Smack That ni Akon… naunahan na naman ni Ederlyn si Inday na may kausap sa kanyang cellphone.
Ederlyn: Papi Ismak Dat!! (Kinanta pa ng gaga… Ismak Dat Olonggapo… Ismak Dat Fernando Poe)
Natawa na naman si Willie.
Willie: Pambihira ka talaga. Di mo na kelangan kantahin pero tama ang sagot mo kaya’t pasok ka na!!
Tuwang tuwa si Ederlyn at di humihinto sa kakapalakpak at kakatalon.
Willie: I’m sorry Inday pero…
Natameme si Willie paglingon nya kay Inday at may kausap sa phone. Sinenyasan siya ni Inday na saglit lang.
Natapos na rin si Inday sa phone.
Inday: I’m sorry Mr. Revillame but I just got a call from the other station and they’re sending someone over to pick me up. They want to talk about guesting me and letting me sing me on their show this Sunday. I’ll just take the cash and leave the other stuff here for the other contestants. Thanks and Ciao!
Laglag-panga si Willie at pinanood na lang ang pag-alis ni Inday.
fin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment